Iilang tao na ang aking nakitaan ng mga sari-saring aksyon..
Iilan narin ang aking nakilala...
Iilan sa kanila naging kaibigan ko na..
Iilan pa nga ba?
Matapos kong balikan ang mga nakaraan..
Matapos kong makita ang mga taong aking nakasalamuha..
Matapos kong itanong sa kanila na " Kumusta?"...
Matapos kong tanggapin ang mga kasagutang hind ko kailanman inasahan..
Matapos kong tingnan ang kanilang mga magagandang buhay...
At matapos iyon ay sarili ko naman ang aking binalikan...
Patuloy parin ako sa paglalakad...
Patuloy sa pag-iisip..
agad kong naramdaman
ang kirut sa aking puso...
ang mga salitang hindi ko parin kayang tanggapin at unawain ..
ang mga pabaung hindi ko naman hinangad...
Tingnan mo ang iyong sarili " Juana" ang baho-bahu muna...
Para kang malansang isda...
Aba.. umalis ka na..
Hindi na kita kaibigan!
Hindi na.
Sino ka? Umalis ka nga rito nagdadala ka lang ng malas na negosyo ko.. AliS!
Pagpasensyahan mo ha?Talagang wala na akong matandaan sa'yo.
Sino nga ba ako? Sino nga Ba Ako?
Napagod ako sa paglalakad...
Nakakita ako ng tindahan na may pagkalaking salamin....
Tama nga talaga..
Tama lang na ako'y kanilang kamuhian..
Tama na ako'y itakwil ng ang kaibigan,anak, magulang..
Asan ka na " Julio" asan kana?
Ba't nagkaganito?
Ba't ako'y isinuka na ng Mundo?
Ba't nawala..
Ba't ako'y naging isang palaboylabuy nalang..
Asan na ang aking kayamanan?
Asan na ang aking pinaghirapan?
Julio asan ka?
Ako ba'y nagkulang?
Asan ba ako nagkulang?
Kasalanan ba ang ika'y aking " inilibing ng buhay?''.
Thursday, November 20, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment